
ANG SIMULA
Minsan talaga may mga bagay na hindi na dapat sinasabi. Minsan rin ang pagiging masyadong honest at open ay masama at nakakadagdag pa sa mga problema. Madalas ko ngang tinatanong ang sarili ko kung tama ba na magsabi ng totoo o mas tama kung hindi na lang magsasalita. Kaya lang, ang nakakaasar dito, sabihin mo man ang totoo o hindi, ikaw pa rin ang naiipit. Pilit na papaaminin at papasabi sa iyo kung ano ba talaga ang tama, pero pagkatapos mong maisiwalat ang lahat ng dapat malaman ng kausap mo, ikaw pa rin ang masama. Kapag naman hindi mo sinabi, wala kang kwenta. Ano ba talaga?! Ang gulo-gulo talaga.Ang hirap na ngang maging tao sa mga panahong ganito na puno ng krisis at pasakit, ang hirap pa lalong magpakatao. Pag nagpakabait ka, aabusuhin ka, kung minsan pa nga ikaw na ang nagiging masama dahil sa sobrang kabaitan. Kasi minsan, ang mga taong pinamamalasan mo ng kabaitan ay natututong umasa na lamang at manggamit, tapos kapag nabagok na sila, ayan na, lagot ka. ikaw kasi eh, ang bait-bait mo. Hanep noh? Magpakasama ka naman, itataboy ka. Ang hirap talaga di ba? Pero siguro, kung ang mga tao eh nag-iisip talaga at naiintindihan ang mga bagay-bagay, in short gagamitin ang utak, masaya na siguro. Kaya lang kapag puro na lamang utak ang ginagamit, parang mas magulo kasi nagbabangayan ng mga ideya at kuro-kuro, ayaw patalo at padaiig, ipipilit ang sariling opinyon. Sa buhay kasi hindi dapat puro sarili, puro kasiyahan, at puro utak. Dapat din sigurong gamitin ang puso. Paminsan-minsan kailangan din nating masakatan, magpaasa, mang-away at iba pa para matuto. Kaya ang maganda dyan, ibalanse. Teke, medyo nalalayo na sa openness at honesty ah. Gusto ko sanang ibalik doon ang usapin pero nawala na ang momentum ko. Next time na lang!!!

8 Comments:
State of emergency na! Tsk. There are indeed things better left unsaid. I should have chose it rather than divulging everything. Hehe.
hoi!!! drama ka jan!!ugok!ako ung pinapatamaan moh sbi mo db??alm moh..gnto xe yan..hndi nmn poh ikaw msma kung mgsasabi ka ng totoo..o itago moh ang totoo..based sa nangyari stin,bngay moh agd skn ung comment sau.kaya kita pinilit na sbhin na skin xe poh,naumpisahan moh na,binitin moh lang ako..xe d moh cnbi ung mismong cnbi sau,kya pinilit kitang umamin skin,,in short ang mali mo,bngyan moh agd ako ng ikkaskit ng loob ko even though d xa ung mismong cnbi sau..kya i asked for the whole statement..hndi ka mli,pero sna manlng kung alm mong mkakskit sa kn lalo na..wag moh nlng sbhn,oo,gsto mong mging open kya moh cbi pero d mo ba naicp na skit un..d lht ng bagay sbi moh nga dpt cnsbi lalo na kung mkkaskit sa iba..khit hint lng ung nasabi mo,mskit na un..xe ako ung mismong pinaguusapan..okae??;)
potchi, alam mo..gusto ko lang talagang maging totoo sa'yo..lalo sayo..
e pano kung nakakasakit talaga?
oo pero dpat sa lugar,,ung d nkakasakit..
ed wag na sbhin..
e kung gusto nga maging honest potchi di ba?
oo maging honest pero,sa magndang pananalita,mgandang way db??
Post a Comment
<< Home