28 February 2006

STATE OF EMERGENCY.. Hindi Magandang Ideya..
Talaga namang sunod-sunod na ang sangkatutak na kaguluhan at sakuna sa Pilipinas. Una ang trahedya sa Ultra. Hindi pa nga nasusolusyunan ang problema dito, aba, eto nanaman, hinampas nanaman tayo ng isa pang sakuna, ang land slide sa Leyte. At muli, wala pa ngang ilang mga araw ay sumilab na isa pang problema. Isang araw bago ipagdiwang ang ika-2o taong anibersaryo ng EDSA I, nagkaroon ng di-umano banta sa seguridad ng bansa. Eto namang magaling na Pangulo ay paranoid na sa kakaisip kung paano pa pahihirapan ang taong bayan. Kaya walang pag-aalinlangang nagdeklara ng State of Emergency.
Noong araw na ito, dapat mayroon akong exams sa Philosophy kay maaga akong nagising. Ang hindi ko alam, ikinansela na pala ang klase sa public at private schools, colleges at universities. Hanggang sa tinawagan na ako ng Mommy ko. Ayun na nga at sinabi na niya na wala nga daw pasok. Sa simula natuwa ako kasi at last, I'm saved from the fangs of hell! Damn it!Di ko pa kasi tapos pag-aral ang mga dapat kong i-review. Binuksan ko ang t.v. dahil nagtaka ako kung bakit walang klase. Nagulat na lang ako kasi pagbukas ko, lahat ng channels nagcocover tungkol sa tensyon sa gobyerno. May mga coup plots daw at kung anu-ano pang uri ng kaguluhan. Nagtitipon na pala ang ilan sa EDSA. Lalo akong nagulat noong i-announce na magkakaroon daw ng 15-minute speech yung unano. Natakot ako. Nakikinita-kinita ko kasi na hindi imposibleng ang ideclare ni GMA ay Martial Law. Mabuti na lamang at hindi. Ngunit, malaki rin ang impact ng dineclare niyang State of Emergency.
Noong Linggo naman,biglang naputol ang panunood ko ng isang programa, The Buzz ata iyon, kasi biglang nagkaroon ng flash report. May isang grupo ng sundalo na nag-aalboruto sa Marines Headquarters sa may Fort Bonifacio. Ang kanilang pinuno ay hindi mapakali at paikot-ikot habang paulit-ulit na binabanggit ang kanyang galit sa mga naggugulo daw sa Pilipinas. Sa pagkakataong yon, nararamdaman ko nang ilang sandali na lamang ay idedeklara nang walang pasok kinabukasan. At iyon na nga, ang DepEd at CHED ay nag-announce nang walang klase, take note, all levels. Muntikan ko nang mamura si Sec. Defensor noong nakapanayam siya sa ABS-CBN. Ang loko kasi, sinabihan ba naman ang media na wag nang i-cover ang mga kaganapang tensyon sa Fort Bonifacio. Sabi pa, para daw sa kabutihan ng lahat, na medyo maselan daw ang sitwasyon na hindi dapat malaman ng mga tao upang wag nang mangamba. Nakaka-init ng ulo di ba? Nasan na ang freedom of the press? Mayroon na bang news black-out?? Di pa naman Martial Rule di ba? O e ano itong sinasabi ng magaling na tutang ito?! Kaya nga may media e para iparating sa mga tao ang tunay na mga nangyayari, hindi para itago sa mga tao ang kabulukan ng sistema! Sus! Palibhasa kumikita nang malaki eh. Nakakainis lang talaga na ganito pa ang naibulalas ng "butihing" Secretary Defensor. Sayang ang surname niyang 'Defensor,' pwede sanang i-equate sa Defender.
Kaya sa atin, magsilbing mitsa sana itong pangyayaring ito ng pagbabago at pagkakaisa. Binabawian na tayong lahat ng Supreme Being. Kaya nararapat na magbago na. Sobra na kasi eh, nkakasawa na. Kung hindi pa natin aaksyunan ito ngayon, kailan pa? Kapag lahat tayo nakatali na sa leeg at sunod-sunuran lang sa isang unanong mandurugas? Ang pangit tignan di ba? Prayers and attitude change, yan ang kailangan.

1 Comments:

At 1:58 PM, February 02, 2008, Blogger barb michelen said...

Hello I just entered before I have to leave to the airport, it's been very nice to meet you, if you want here is the site I told you about where I type some stuff and make good money (I work from home): here it is

 

Post a Comment

<< Home